Ulan.
Ano ang meron sa ulan at napapaalala ka niya ng mga bagay na pilit mong kinakalimutan?
Ano ang meron sa kanya at parang gusto mong sumabay
… na umiyak.
… na malaglag na lang hanggang malakas mong matamaan ang lupa.
… na mag-ingay sa kalaliman ng iyong puso at isipan.
Ano ang meron sa ulan at napatext ako nang biglaan sa mga taong malapit sa akin?
Nakakatamad gumalaw …
Nakakatamad maligo’t magpaginaw.
Nakakatamad mag-isip.
Nakakatamad rumamdam.
Ayoko nang masaktan.
“Nandito lang Ako, anak.
Tutulungan kitang gumalaw nang hindi ka giniginaw.
Papakinggan ko ang mga iniisip at ang mga nararamdaman mo.
Hindi kita sasaktan.”
Ano ang meron sa ulan at nagiging mapayapa ang kalooban mo?
… kahit na nalungkot ka
… kahit na nasktan ka
… kahit na napapaisip ka
… patuloy ka pa ring nagmamahal at nagtitiwala.
May ulan dahil kailangan natin.
Pinapayagan ng Panginoon na umulan para mas kaya nating ikaligaya ang araw.
Ganun din sa araw – may araw, para matutunan nating ikaligaya ang ulan.
Kung walang ulan, walang bahaghari.
Salamat, Panginoon. Salamat sa ulan.